Thursday , June 4 2026

16-anyos nagbigti sa kaarawan (Ex-GF ‘di sumipot sa handaan)

 

080614 bigti

NAGBIGTI ang isang 16-anyos binatilyo nang hindi sumipot ang kanyang dating nobya sa pagdiriwang ng kaarawan ng biktima kamakalawa ng madaling araw sa Marikina City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nolie Bruce, nakatira sa 68 Palay St., Brgy. Tumana sa naturang lungsod.

Dakong 4:30 a.m. nang natagpuan ng tiyuhin na si Abner Marcos, 34, ang pamangkin habang nakabigti sa puno ng kawayan.

Nabatid na lumabas si Marcos ng bahay para manubig ngunit tumambad sa kanya ang bangkay ng biktima kaya dali-dali niyang tinawag ang ina ng binatilyo na si Nanitte Omega at kinalas ang tali ngunit wala nang buhay si Nolie.

Hinala ng ina, ang hindi pagsipot ng kasintahan na inimbitahan ni Nolie para sa pagdiriwang ng kaarawan ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …