Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady snatcher timbog sa MASA

072414 arrest prison

ARESTADO ang isang 29-anyos babaeng snatcher makaraan hablutin ang cellphone ng isang estudyante habang naglalakad sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Kasong robbery snatching ang isinampang kaso sa suspek na si Myra Sy, walang trabaho, ng Coral Street, Tondo, makaraan ireklamo ng biktimang si Sherry Mae Calma, 18, estudyante ng Unibersidad De Manila (UDM), residente ng Mariones St., Tondo.

Sa imbestigasyon ni Chief Inpector Bernabe Adora Irinco Jr., hepe ng Manila Action Special Assignment (MASA,) dakong 11:30 a.m. nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Naglalakad at nagte-text ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at inagaw ang cellphone ng estudyante.

Tiyempong nakita ng tauhan ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek ngunit hindi na narekober ang cellphone na posibleng naipasa na sa iba.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …