Ngayon natin gustong lubos na ipaunawa sa ating mga suking mambabasa at sa mga awtoridad kung bakit ayaw nating tantatanan ang mga bigtime Immigration fixer na sina alias Betty Chiuhuahua ay Annie Sey …
Conciously or unconciously, dahil sa kanilang raket na pagpapalusot ng mga Chinese nationals kahit walang kaukulang papeles at pag-aayos ng kanilang visa, ay dahil sa sandamakmak na shabu Chinese chemist at dealers ang naririto ngayon sa bansa.
Pansinin ninyo kung gaano karami ang natitimbog ngayon na mga Chinese nationals na pinaniniwalaang mga Chinese chemist na gumagawa ng shabu sa bansa.
Kaya tayo po ay palaging nananawagan kay BI Commissioner Siegfred Mison, pakibusisi po ang tila paghahari-harian na naman nina Betty Chiuhuahua at Annie Sey sa Bureau of Immigration dahil malaya na naman nilang nagagawa ang kanilang transaksiyones sa pakikipagsabwatan sa isang ‘Nanny o Inang’ ng isang BI offical.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga-Bureau na pawang kwestionableng Chinese national ang kliyente ng dalawang notorious na Immigration fixer.
Aabangan po namin ang aksyon ninyo laban d’yan, Commissioner Fred Mison!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com