DATI ang Paraiso ng Batang Maynila d’yan sa Adriatico St., sa Maynila (malapit sa Manila Zoo) ay malayang napaglalaruan ng mga batang residente sa area ng San Andres at Leveriza at kahit na ‘yung mga batang ipinapasyal ng kanilang mga magulang sa Manila Zoo.
Pero kamakailan lang, napadaan tayo sa area na ‘yan. Nagulat tayo nang makita nating puro kubol at lona ang bahagi na dapat sana ay takbuhan at laruan ng mga bata.
Akala natin under renovation, mali pala!
‘Yung mga kubol at lona pala ay PERYAHAN as in PERGALAN na may operasyon ng mga sugal lupa gaya ng drop ball, pasok-bote, colors game, stuffed toys game at iba pa.
Sonabagan!!!
Walang takot at walanghiya ang operator ng nasabing perya-sugalan na sinasabing isang alyas Mike at ang kanyang booker na isang alyas Liza.
Ano ba ang nangyari sa Paraiso ng Batang Maynila at pinayagan mong BABUYIN ito, Manila Police District Malate ‘parking’ Station (PS9) commander, Supt. Ramon Ondrada?!
Masyadong malapit ‘yan sa inyong estasyon para hindi ninyo makita o mapansin!
Walang pinipili ang nasabing perya-sugalan.
Lahat biktima nila komo ang prente nga nila ay perya.
Lahat pwedeng tumaya … bata at matanda.
Aba ‘e hindi mo man lang ba napapansin ‘yan KERNEL ONDRADA?!
MAGKANO este ano ang dahilan at parang may ‘tagabulag’ sina Mike at Liza sa iyo?!
Galaw-galaw KERNEL ONDRADA … ikaw rin baka masanay kauupo ‘yang pwet mo d’yan sa malamig na opisina mo e, hindi mo na matanggal ‘yan?!
O baka naman, ganyan talaga ang gusto mo … maghintay ng parating mula sa perya-sugalan?!
Ganoon ba ‘yun Kernel Ondrada ?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com