Tuesday , April 30 2024

Comelec retirable chairman sixtong ‘este’ Sixto Brillantes supalpal na naman sa SC!

00 Bulabugin jerry yap jsyPAGKATAPOS ng maeskandalong impeachment laban kay dating Supreme Court Justice Renato Corona, malaki ang ginagawang pagsisikap ngayon ng mga Mahistrado na ibalik ang kredebilidad at integridad ng hudikatura.

Presidential appointee man si kasalukuyang Supreme Court chief justice Maria Lourdes P.A. Sereno, siya at ang iba pang Mahistrado ay nanindigan na ipagtatanggol nila ang ating Saligang Batas laban sa pang-aabuso at pagmamalabis sa kapangyarihan.

Unang eksampol, nang ideklara nilang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP), ang itinuturing na pork barrel ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito rin ang naging mitsa kung bakit nagkaroon ng giwang ngayon ang relasyon ng executive branch at judicial branch.

Nitong nakaraang Martes, ibinasura ng SC ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa Airtime limit sa political ads.

Unconstitutional umano ang paglilimita ni Brilliantes sa airtime ng political advertisements dahil labag ito sa kalayaan sa pamamahayag.

Nilalabag din ng kautusan ng Comelec ang kalayaan sa pamamahayag at ang ‘people’s right to suffrage.’

Pinuna ng Korte Suprema ang agad-agad na pagpapatupad ng Comelec ng naturang resolusyon at binago ang panuntunan mula sa dating limitasyon sa oras ng political advertisements bawat estasyon.

Sa kabila ng pagkasupalpal sa SC, iginigiit at umeepal pa rin si retirable komolek ‘este Comelec Chairman Sixto Brillantes na gagawa ulit sila ng resolusyon na ang layunin umano ay “levelling the playing field “ sa pagitan ng mayaman at mahirap na kandidato para raw sa 2016 elections.

What the fact?!

Hindi nga?!

‘E ‘di ba nga, ikaw mismo, retirable Chairman Sixtong ‘este’ Sixto ang nagdedekalarang ‘nuisance’ o panggulo lang ang isang kandidato kapag walang pera?!

‘Yung iba naman, inuutusan mong magdeposito ng ‘BOND’?!

D’yan ka kasi magaling retirable Commissioner, kung hindi mo binabago ‘e ikaw ang gumagawa ng sariling batas?!

Para kang hindi abogado ‘e.

Nauuna ka pa ngang magdesisyon kaysa Suprme Court ‘e.

Buti na lang hindi ‘natutulog’ ang Supreme Court ngayon.

Ano ngayon ang masasabi ng 3-million division ngayong nasupalpal na naman ng Supreme Court ang kanilang bossing?!

Esep-esep din kasi nang tama kapag may time!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *