SI Cristine Reyes ang pinagsususpetsahang buntis ngayon sa showbiz.
Noong una ay blind item pa ang pagkakasulat about an actress being in an interesting stage pero later on ay pinangalanan din. Si Cristine pala ‘yon.
Anyway, may nakapansin na malaki ang tiyan ng younger sister ni Ara Mina. Pilit daw niya itong itinatago sa malaki niyang T-shirt.
Mayroon ding nakapansin na nakipag-toast si Cristine with her friends during a dinner pero water lang naman ang laman ng kanyang glass.
Hindi ba’t sinasabing bawal sa mga buntis ang alak?
Isa pa, kilalang tomador si Cristine. Palagi siyang umiinom sa kanyang mga gimik kaya nakapagtatakang hindi siya tumikim ng alak.
Ang mixed martial arts and part-time actor na si Ali Khatibi ang pinagsususpetsahan daw na nakabuntis kay Cristine.
Buntis nga ba si Cristine kaya gusto na niyang talikuran ang pagpapaseksi?