SINA Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero ang pinagbibintangang naging dahilan para ma-bump off ang isang wedding na gaganapin sa Balesin sa Valentine’s Day next year.
Marami ang uminit ang ulo sa social media lalo pa’t it was obvious na sina Heart at Sen. Chiz ang sinasabing nag-power trip kaya na-bump off ang kasal ng isang non-showbiz couple. Pinalalabas sa social media na nagmaangas sina Heart at Sen. Chiz kaya naetsapuwera ang kasal ng isang couple na naka-schedule.
Ang daming nagalit kina Heart at Chiz, imbiyernang-imbiyerna sila, as if alam naman nila ang puno’t dulo ng story.
Just recently, may nagtanong kay Heart kung tuloy ang kasal nila ni Chiz sa Balesin sa February 14 next year. Ang sagot ni Heart, “nothing final”.
O, ayan, malinaw, hindi pa final ang kasal nila. Baka may mag-react na naman diyan.