ni Ed de Leon
MAGANDA raw naman ang resulta ng initial telecast ng ni-revive nilang Talentadong Pinoy. Mukhang nagustuhan naman ng mga tao si Robin Padilla sa nasabing show. Hindi mas masasabing humataw ang ratings niyon, talaga namang iyon ang inaasahan dahil ang network naman nila ay talagang third network lamang sa kompetisyon. Pero kung mapapanatili nila ang ganoong audience share, maganda na iyan para sa kanilang show.
Maraming naaliw kay Robin at sa kanyang style ng pagho-host ng programa. Marami rin ang naaliw sa ipinakita ng mga talentado. Mukhang minsan pa ngang mapatutunayan ngTalentadong Pinoy na iyon talaga ang flagship ng kanilang network. Talaga namang mas malakas ang following niyon kaysa ipinalit nilang show noong araw eh.
Sa nababalitang feedback, palagay namin mas darami pa ang kanilang audience.