Thursday , May 2 2024

Ang nagpapakilalang bagman ng QC City hall na si alias Bong Sal Salver

00 rex target logo

SA KABILA ng pagkakadawit ng pangalan nina QC Mayor Bistek Bautista at si Daddy Butch sa ‘protection racket’ sa mga bahay-aliwan na nagpapalabas ng kalaswaan at lantarang prostitusyon sa nasabing lungsod, nananatiling dedma lamang umano si Mayor Bautista.

Sa pananahimik na ito ng mga Bautista, lalo lamang daw humahaba ang sungay at nagiging kapani-paniwala ang inilalakong pananakot nitong si alias BONG SAL SALVER sa mga club at sauna bath parlor owners na siya ang ‘anointed bagman’ ng alkalde ng Kyusi .

Kaya raw lalong nagiging ‘credible’ tuloy ang claim ni BONG SAL SALVER na siya ang opis-yal na taga-kolekta ng payola mula sa mga pang-gabing establisimyento sa Quezon City para sa tanggapan ni Mayor Bistek Bautista, Quezon City Police District Director, General Richard Albano at sa ilang enterprising city councilors?

Pati ang mga tanggapan ng CIDG, NBI, DILG, GAB at local at national media ay ikinukuha ng payola ni BONG SAL SALVER mula sa sandamukal na mga prosti-club, beerhouses at sauna bath parlors ng lungsod.

Umiiyak na ang mga negosyante ng lungsod sa pagsuyod na ginagawa ni BONG SAL SALVER sa pangongotong na ginagawa ng kupal ‘bitbit’ pa ang pangalan ni Yorme Bistek.

Hinahamon natin hindi lamang si Mayor Bautista kundi maging si Gen. Richard Albano na hulihin at ikarsel ang hindot na si alias BONG SAL SALVER na lantarang nanggigipit at namba-blackmail sa mga club, beerhouse at sauna bath parlor owners ng siyudad.

Ang masakit pa, hilong-talilong na ang establishment owners ng Kyusi dahil bukod kay SAL SALVER, nangongotong rin ang grupo ni FERRY BALAKUBAK at BOY ARSON “PERYADISTA” na isa umanong taga-media na may hawak ng jueteng payola.

Susmaryosep naman kayo diyan sa Quezon City, ginawa n’yo nang palabigasan ang mga panggabing bahay-aliwan d’yan sa nasabing siyudad.

Kaya naman ubod nang yabang at garapal ang mga kupal na club at spakol owners na gaya nina GIL TEPANG, GEORGE BUENO at AKOP.

Tuluyan na rin nasira at nabatikan ang malinis na pangalan ni General Albano bilang opisyal ng pulisya dahil na rin sa pagiging inutil na sugpuin ang mga katarantaduhang umiiral sa mga nasabing establisimiyento.

Bahag ba ang buntot at urong ang ‘balls’ ni Mayor Bistek na sagasaan ang mga establisimiyentong lantarang nagpapalabas ng malalaswang panoorin at nagtatampisaw sa opisyo ng prostitusyon?

‘Ika nga, if you cannot beat them, join them ba!?

‘Yan na marahil ang pilosopiya ni Albano kaysa naman ma-offend ng heneral ang kanyang mayor?

Sayang naman si General Albano na para sa atin ay isang matino, mahusay at matalinong PNP officer. Nilamon na ba siya ng ganap ng bulok na sistema!?

BATMAN & ROBIN TANDEM SA MEDIA, TULOY SA PAMBUBUKOL AT PAMBABALASUBAS!

Bukod sa talamak na ‘flesh trade’ sa lungsod, nagkalat din sa buong Quezon City ang ilegal na sugal gaya ng lotteng at video karera (VK).

Kapwa naghahari sa lotteng operations sina LITO MOTOR, DON RAMON at VER BICOL samantala solo naman ng VK king na si REY RECTO ang mga nagkalat na salot na makina ng video karera.

Pasok naman ang local at national media sa raketang ito na ang busog na busog ang pamosong BATMAN & ROBIN tandem na nambubukol ng mga kapwa nila taga-media sa intelihensiya.

Kaya naman halos lahat ng tabloid publishers at editors ay sukang-suka na sa dalawang ‘yan na talaga namang ang kakapal ng pagmumukha.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Jos Garcia

Jos Garcia itinanghal na Female Pop Artist  of the Year sa 15th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang international Pinoy singer na nakabase sa Japan na si Jos Garcia sa …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *