PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang guro, makaraan pagbabarilin sa loob ng Pangasinan National High School sa Lingayen, Pangasinan kahapon.
Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Insp. Carlos Caoili ng Public Information Office (PIO) ng Lingayen Police, kabilang sa tatlong biktima ang isang guro.
Dakong 4 p.m. nang pagbabarilin ang mga biktima ng isang
lalaking armado ng armalite at granada sa loob ng nabanggit na paaralan.
Sinasabing paniningil ng utang ang motibo sa insidente.
Hawak na ng pulisya ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa krimen.