“NAGULAT na lamang po ako nang pumasok siya sa bahay namin na sabog na sabog tapos bigla na lamang niya (suspek) akong niyakap at pinaghahalikan, kahit anong palag ang gawin ko hindi ko kaya ang lakas niya.”
Ito ang lumuluhang salaysay ng isang 19-anyos ginang makaraan pagparausan ng pinsan ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.
Kinilala ang biktimang si Rosalie Jerios, ng No. 38 Meliguas St., Brgy. 98, 11th Avenue.
Sa tulong ni Brgy. 98 Kagawad Mario Umipico, agad naaresto ang suspek na si Nesty Murillo, 27, kapitbahay ng biktima.
Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan Police, dakong 12:30 p.m. naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Nagpapahinga ang biktima makaraan mananghalian nang pumasok ang suspek na namumula ang mata saka ginahasa ang ginang.
(ROMMEL SALES)