Saturday , May 18 2024

Amok na piyon nagbigti

BAGUIO CITY – Nagbigti ang isang construction worker makaraan magwala nang hindi sila magkaintindihan ng pinsang babae sa Purok 4, Central Fairview, Baguio City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Lester Salvador Gutierez, 25, construction worker at nakatira sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Baguio City Police Office, Stn. 1, umuwing lasing ang biktima at ang pag-uusap nilang magpinsan ay nagresulta sa hindi nila pagkakaintindihan.

Dahil dito, nagwala ang biktima at sa takot ng pinsang babae ay humingi ng tulong ng kapulisan.

Habang hinihintay ang tulong ng mga awtoridad, nagtungo ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na under construction, dala ang nylon cord.

Tinangkang pigilan ng kanyang tiyuhing retiradong army na si Leopoldo Ambet, 62, ang balak na pagpakamatay ng pamangkin ngunit sinuntok siya ng biktima.

Umalis ang matanda para humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay ngunit pagdating nila ay natagpuan nang nakabigti ang biktima sa steel trust ng bahay.

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *