Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lips ni Anne, pinakamasarap para kay Sam dahil sa pagiging juicy

082814 anne curtis sam milby

ni Rommel Placente

TUNGKOL pa rin kay Anne, guest sila ni Sam Milby noong Sunday sa programa ni Vice Ganda sa ABS-CBN 2 na Gandang Gabi Vice para i-promote ang pelikula nila titled Gifted mula sa Viva Films.

Tinanong ni Vice ang dalawa kung ano ang dahilan ng split-up nila noon. For the record, nagkaroon ng relasyon sina Anne at Sam na tumagal ng apat na taon.

Sagot ni Anne, “Mahabang chica. Pero ano, at least ngayon okey kami.”

Ang sagot naman ni Sam, “Honestly, were young. Kaya andoon lagi ‘yung away naming.”

At dahil gifted ang tite ng movie ng ex-couple, kaya tinanong ni Vice si Sam kung gifted ba ito. Nakuha naman ni Sam ang ibig tukuyin ng tanong ni Vice kaya sumagot ito ng, “Eh, half-American ako, ‘di ba?”

Na ang ibig niyang sabihin ay may maipagmamalaki siyang sex organ dahil nga may lahi siyang Amerikano.

Pero sabi ni Vice na natatawa sa naging sagot ni Sam. It doesn’t follow daw na kung half-American ay gifted dahil may mga kilala raw siya na hindi naman gifted.

After tanungin ni Vice si Sam kung gifted ito, tinanong naman niya si Anne kung gifted si Sam. Na obvious na pinalalabas  ni Vice na alam ‘yun ni Anne dahil apat na taon silang nagkaroon ng relasyon ni Sam at sa  loob ng mahabang panahon na ‘yun, may namagitan na sa dalawa.

Natawa ng malakas si Sam nang marinig ang tanong na ‘yun ni Vice kay Anne. Si Anne naman ay hindi napikon sa tanong dahil kaibigan naman niya si Vice.  Sumagot naman ito pero hindi ‘yung sagot na inaasahan ng komedyante. Ang sagot ni Anne ay, “Maraming gifted diyan noh! Gifted child ‘yan. May abs din ‘yan Hawakan mo nga!”

After mariinig ang sagot ni Anne, tinanong naman ni Vice si Sam kung ano para rito ang gifted sa body part sa body ng ex-girlfriend.

“Lips,” ang mabilis na sagot ni Sam.

Tanong ulit ni Vice kay Sam kung bakit lips ang sagot ni Sam, “Obviously very full, very nice and juicy,” paglalarawan ni Sam sa lips ni Anne na na ikinatawa rin ni Vice dahil sa word na juicy. Kaya sabi nito kay Sam, “Ano bang katas ‘yan? May pinya bang lumalabas diyan?

“Eh kasi ano,” bitin na sagot ni Sam na natatawa ulit.

Sa tanong ulit ni Vice kay Sam kung ang lips daw ba ni Anne ang pinakamasarap sa lahat ng nakahalikan niyang babae, ang sagot ng binata ay, “Siguro,” na ikinakilig naman ni Vice at ni Anne nang marinig ‘yun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …