Sunday , May 19 2024

Madrid suspendido pa rin – Jao

SUSPENDIDO pa rin ang head coach ng UP Maroons na si Rey Madrid para sa laro nila kontra Adamson University sa UAAP Season 77 men’s basketball mamaya sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Ayon kay UAAP Commissioner Andy Jao, hindi niya tinanggap ang apela ng Maroons na bawasan ang suspensiyon ni Madrid .

Sinuspinde ni Jao si Madrid dahil sa mga komento ng huli tungkol sa umano’y point-shaving sa UAAP na ayon kay Jao ay nakakasisira sa integridad ng liga.

Bukod dito, sinabi rin ni Jao na hindi nagbigay si Madrid ng ebidensiya tungkol sa point-shaving at mataas pa rin ang kompiyansa ng dating PBA sportscaster sa mga reperi ng UAAP.

Wala pang panalo ang UP pagkatapos ng anim na laro ngayong UAAP season samantalang limang beses na nasilat ang Falcons.

Si Ramil Cruz pa rin ang hahawak sa UP sa laro nito kontra Adamson pagkatapos na matalo ang Maroons kontra De La Salle, 74-53, noong Miyerkoles. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *