NAGBALIK ang Emmy-winning design competition sa ika-13 nitong season at may exclusive first look ang Us Weekly sa seksing promotional shot.
Sa imahe, ipinarada ni Heidi Klum, 41, ang kanyang katawan sa ilalim ng superimposed hanger ‘dress.’ Kinompleto ng German supermodel ang unconventional outfit ng isang pares ng towering nude ankle strap heels.
Sinamahan ang kaakit-akit na celebrity ng kanyang right-hand man na si Tim Gunn, 60, na may hawak na final hanger at nakasuot ng immaculate checkered suit.
“Medyo embarrassing dahil kinaila-ngang i-shoot ito nang wala akong damit,” ani Klum sa Us Weekly. “Panay ang sorry kay Tim sa pagtingin niya sa aking katawan, at para siyang, ‘Oh! Good god! I love looking at your booty!’ Nakakatawa kasi napaka-polite niya at kinailangan tumakbo ako sa harapan niya. Suot ko pa ang pinakamaliit na G-string.”
Binigyang parangal ang Project Runway ng ika-10 Emmy nomination para sa Outstanding Reality-Competition Program.
Nai-nomina rin ang Project Runway ng limang Emmy sa 2014 awards, kabilang na ang Outstanding Host for a Reality o Reality-Competition Program para kay Klum at Gunn.
Sa Emmys nitong nakaraang taon, nagpakasaya ang Project Runway crew, ani Klum. “Sobrang dami ng ininom naming champagne!” aniya. Sa sobrang kalasi-ngan, napilitan si Gunn ang humawak ng mikropono para tanggapin ang award. “Sobrang saya ko na nagawa niya ito. Siya na lang ang pinagsalita ko!”
Kinalap ni Tracy Cabrera