ni Nene Riego
HABANG wala pang proyekto ang M2 Films nina Boy2 Quizon at ilang kaibigan after the MMFF 2013 Best Film nilang 10,000 Hours ay pagnenegosyo muna ang hinaharap ng apo ni Pidol.
May online shoe business siya at siya mismo ang nagmomodelo ng mga ito sa social media. ”Siyempre, mga style na gusto ko at bagong uso ang inilalako namin,” sabi niya.
Bigla siyang tinawag para sumalang sa Bubble Gang set kaya ‘di namin naitanong kung ano ang website ng kulot.
Next time, hihingin namin ito sa kanya. Ang mahalaga’y natuto na siyang ilagay ang kinikita sa negosyo at ‘di niya nilulustay ito, ‘di ba? Masuwerte ang babaeng magiging wife niya. Eh kaso, wala naman yatang dyowa ngayon ang bruho. Pero, madalas siyang makitang may maganda at seksing Tisay na kadeyt.