ni Ronnie Carrasco III
UMARIBA na naman ang pagiging highhanded ng isang CPA (time and again, our reference to her ay hindi isang certified public accountant kundi isang currently popular actress).Highhanded in the sense na imbes na sakyan dapat ng aktres na ‘yon ang mga isyu to hype her forthcoming show ay nairita pa sa inihandang treatment sa kanyang interview. ‘Yun ay sa kabila ng inaprubahan nang interview handle ng isang departamentong naatasan doon.
Simple lang naman ang ‘ika nga’y mechanics ng interbyung ‘yon sa CPA para magmukhang disimulado o softsell ang promo ng kanyang aabangang show.
Let’s face it, matatalino na ang mga manonood na nananawa na sa mga virtually promotional segment ng mga TV show. At para bumenta ito, kailangang sahugan ng intriga element.
Nadesmayavang CPA sa mga tanong. At na-realize namin kung bakit.
Sa isip-isip siguro ng CPA, ”Sa ganda na lang tayo magkaalaman…huwag na sa Inglisan dahil lost ang beauty ko!”
Clap, clap, clap…honesty is the best fallacy, este, policy!