Friday , November 22 2024

Nabagansiyang laborer itinumba sa brgy. hall

SUGATAN ang isang construction worker makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki habang nakaposas sa loob ng barangay hall sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Arsenio Roble, 48, ng Blk. 9 Ext., Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Habang mabilis na nakatakas ang suspek lulan ng motorsiklo.

Ayon kay Supt. Romeo Macapaz, station commander ng Manila Police District-Police Station 5, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa loob ng barangay hall ng Brgy. 649.

Nauna rito, naaresto ng mga barangay tanod si Roble dahil sa kasong bagansiya at dinala sa barangay hall para imbestigahan ngunit nang iwanan sandali ay bigla na lamang binaril ng hindi nakilalang suspek.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *