Dear Señor H,
Nanaginip ako na nawala ang singsing ko habang nagtotolog ako, yn lng, pero nang magising ako hinanap ko talaga dahil parang totoo, huli kuna na alalana nanaginip lng pla ako ksi parang totoo, ano bng ibig sbhin ng panaginip ko? Pisces 10
(09101543778)
To Pisces 10,
Ang panaginip mo ukol sa singsing ay sagisag ng emotional wholeness, continuity, commitments, at honor. Kung ang singsing sa iyong bungang-tulog ay nasa daliri mo, ito ay nagpapakita ng commitment sa isang relasyon o sa isang bagong endeavor. Ito ay nagsasaad din na ikaw ay loyal sa iyong ideals, responsibilities, o beliefs.
Kapag naman nanaginip na may nawawala, maaaring ito ay may kaugnayan sa iyong pagiging out of control at pagiging disorganized sa mga bagay-bagay. Posibleng may kaugnayan din ito sa mga damdaming hindi hinaharap o mga isyu na hindi tinutuldukan. Kung wedding ring ang nawawala, posible rin na may koneksiyon sa isang relasyon ang ipinahihiwatig nito. Kaya dapat itong ingatan, pahalagahan, at bigyan ng sapat na panahon.
Señor H.