NAPASOK sa trobol ang nerbyosong 12-week-old German shepherd puppy makaraan imaneho ang kotse ng kanyang amo patungo sa sapa.
“She’s a handful,” pag-amin ng amo ni Rosie na si John Costello, ng Canton, Massachusetts.
Nangyari ang insidente makaraan paandarin ni Mr. Costello ang makina ng kanyang kotse matapos niyang ipasyal ang tuta malapit sa isang sapa.
“The dog jumped in and hit the gear shift and the car jerked and she fell on top of the gas pedal,” aniya.
“It was just scary. The car went for a swim. We all did.”
Tumalon patungo sa back seat ang natarantang tuta habang mabilis na lumulubog ang kotse, at nagpumiglas habang sinasagip.
Ngunit sa tulong ng ilang nagdaang mga tao, nadakma ni Mr. Costello ang takot na takot na tuta.
“I just leaped in and grabbed the dog and pulled her out and we both fell back into the water,” aniya.
At pagkaraan ay tumawag si Mr. Costello sa 911 para humingi ng tulong sa nasopresang local police officers.
“I’ve never heard of a puppy driving a car into a pond,” pahayag ni Officer Robert Quirk. (ORANGE QUIRKY NEWS)