ROXAS CITY – Patuloy ang imbestigayon ng pulisya sa pagpatay sa isang 18-anyos babae na natagpuang hubo’t hubad ang bangkay sa Brgy. Goce President Roxas, Capiz kamakalawa.
Ang biktimang si Maricel Telesforo ay huling nakita sa sayawan noong gabi bago siya natagpuang walang buhay.
Natagpuang nakahiga sa batuhing bahagi ng ilog, may sugat sa ulo sanhi ng pagpukpok ng bato at walang suot na damit ai Telesforo.
Naniniwala ang pulisya na ginahasa ang biktima saka pinatay.
Inihayag ni Cristina Batanon, tiyahin ng biktima, pumunta siya sa sayawan kasama ang kamag-anak na si alyas Fernan ngunit nagkahiwalay sila nang may mangyaring kaguluhan.
Sinasabing tatlong lalaki ang lumapit sa biktima at bigla na lamang silang naglaho.