PINAYAGAN ng Taguig Regional Trial Court (RTC) si Andrea Rosal, anak ni yumaong New People’s Army (NPA) spokesperson Gregorio ‘’Ka Roger’’ Rosal, na ma-confine sa ospital.
Pinahintulutan ng Taguig RTC Branch 266 si Rosal, siyam buwan nang buntis, na manganak sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.
Si Rosal ay naaresto noong Marso 27 sa Caloocan City ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation at Armed Forces bunsod ng standing warrant of arrest sa kasong
kidnapping and murder na inisyu ng Mauban, Quezon Regional Trial Court branch 64.
(JAJA GARCIA)