Wednesday , April 2 2025

Bistek desmayado sa killings PCP chief sinibak ni Albano ( Driver, 5 pa timbog sa safehouse)

DESMAYADO   sa Quezon City Police District (QCPD) si Mayor Herbert Bautista, hinggil sa serye ng pamamaril sa Fairview nitong Linggo.

“I’m not really happy about what happened. Hindi ako natutuwa dahil lahat ng suporta ng Quezon City government sa Quezon City Police District ay ibinibigay namin,” pahayag ng alkalde.

May utos na aniya ng QC Peace and Order Council sa QCPD na magkaroon ng Operation Bakal sa mga bahay bukod pa sa dapat sana’y pagkakaroon ng 24-oras na checkpoint.

Hinanakit ng alkalde, nagbigay na ang pamahalaang lungsod ng dagdag na sasakyan sa QCPD at nagbabala na siya sa mga opisyal ukol sa seguridad dahil ipino-promote ang lungsod bilang isang tourist at investment destination.

“Ngayon parang pa-relax-relax na naman ang QCPD dahil hindi nila binabantayan ang Quezon City.”

Samantala, sinibak sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Richard Albano ang hepe ng police community precinct na nakasasakop sa sunod-sunod na Fairview killings  nitong Linggo.

Kinilala ang nasibak na opisyal na si Chief Insp. Ramon Cabili, PCP commander ng North Fairview Precinct at papalitan siya ni Chief Insp. Roldante Sarmiento.

Bukod dito, inihahanda rin ang kaukulang kaso laban kay Cabili bunsod sa hindi agarang pag-aksyon sa nangyaring krimen sa kanyang area of responsibility (AOR).

“Inihahanda na rin ‘yung kaso sa kanya (Cabili) at pinag-e-explain namin siya kung bakit hindi agad nakapag-react sa mga insidente,” ani Albano.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kanilang inaalam kung sinong grupo ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen at inaasahang ngayong linggo ay magkakaroon ng resulta ang kanilang imbestigasyon.

Matatandaan, namatay sa nangyaring krimen sina Rodelio dela Cruz, 34, ng Baesa; Alodia Grace Go, 37, ng North Fairview; Gilmer Gabronino, 35, ng Caloocan City: Angelie Auguis, 35, ng Imus Cavite, at isang basurero na hindi pa rin nakikilala.

(JETHRO SINOCRUZ)

DRIVER, 5 PA TIMBOG SA SAFEHOUSE

NASAKOTE  ng  mga operatiba ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang isang driver at lima pa, na itinuturong sangkot sa Fairview killings nitong Linggo.

Kinilala ang itinurong driver ng motorsiklo na sangkot sa Fairview killings na si Alsait  Mendelano, 28 anyos, ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Naaresto rin ang iba pang amy arres warrant na si MauzonTawar Munib, 31; Ahmed Madkidato, 18; Bochary Mendelano, 32; Cesar Ate, 45; at Camad Madkidato, 16.

Ang ibang suspek ay nasakote sa isang safehouse sa Baning St., Darusalam Compound, Fairmont Village, North Fairview, kahapon ng hapon. Isasailalim sa interogasyon ang mga arestado.

(ALMAR DANGILAN)

 

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *