Thursday , June 4 2026

Claudine, walang planong maghiganti kay Raymart

ni  Alex Datu

SOBRA ang kasiyahan ni Claudine Barretto nang ibalita sa kanya ng abogado nitong si Atty. Ferdie Topacio na sasampahan ng Marikina Fiscal Office si Raymart Santiago ng kasong physical abuse in connection with Republic Act (RA) 9262 known as Violence Against Women and Children Act.

Aniya, ”Gusto kong linawin na hindi ako gumaganti kay Raymart dahil sa pambubugbog niya sa akin dahil para ito sa aking mga anak. Ang aking pakikipaglaban ay para sa kanila dahil mula nang nabalitang gumagawa lamang ako ng sarili kong kuwento laban sa ama ng aking mga anak ay wala na silang katahimikan. Naawa ako sa kanila, umiiyak silang umuuwi mula sa school dahil palagi silang binu-bully ng mga kaklase nila. Nakakaawa sila.”

Dagdag nito, masaya ang kanyang mga anak dahil napatunayan na walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya base sa desisyon ng Marikina Fiscal Office. ”Ang masakit lang, nawala na ‘yung pagmamahal ng aking mga anak sa kanilang ama o ‘di kaya ay nabawasan dahil nalaman nilang totoo ang ginawang pambubugbog ng kanilang ama sa akin.”

Samantala, nanindigan ang kampo ni Raymart na walang katotohanan ang alegasyong ginawan niya ng karahasan si Claudine noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Ayon sa legal counselor ng aktor na si Atty. Ruth Castelo, kapansin-pansing hindi nakasaad sa resolusyon ang dalawang partikular na insidente na nakaranas ng pisikal na pang-aabuso si Barretto mula sa aktor.

Base sa panayam kay Atty Castelo, nasabi nitong, ”Among the many incidents of alleged abuses filed by Ms Barretto against Mr Santiago, the Marikina Prosecutor’s Office found probable cause to indict the latter on two counts of physical abuse.

“The resolution however failed to state which particular incidents constituted the same. Curiously, the resolution contains findings of fact in favor of Mr Santiago until the last paragraph that says he is being charged by physical abuse of two counts.” Bunsod dito, maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ni Santiago hinggil sa kaso.

CATHY VALENCIA, NAONSE SA NEGOSYO

SPEAKING of Atty. Ferdie Topacio, mayroon siyang pinakabagong kliyente, si Cathy Valencia-Lim, nagmamay-ari ng Cathy Valencia Skin & Body Center at Cedrix Slimming & Wellness.

Nadiskubre ng kanyang kliyente ang anomalyang pang-pinansiyal na ayon sa accountants nito at auditors, nagsimulang nangyari ang bagay na ito mula noong 2010 na ang itinuturong may kagagawan ay si Ms. Mariles Racho-Nejal, manager ng dalawang kompanya.

Ayon kay Valencia, itinuring nitong matalik na kaibigan at kapatid si Ms. Nejal na nangumpisal sa kanya in writing pati na sa kanyang mga abogado ang pag-amin sa ginawang kasalanan.”Thus, she has been terminated for cause, and her actions are presently under investigation to determine the participation of other employees of the two companies.”

“The acts of Ms Nejal and her co-conspirators consist of qualified theft, forgery of checks, unauthorized payments and other criminal acts. These feloniuos acts have resulted in some delays in the payment of suppliers, rentals and other financial obligations of said companies as the funds for these were diverted to the personal use of Ms Nejal and her cohorts.”

Tiniyak ni Ms. Valencia sa kanilang suppliers, service providers, endorsers, other persons na mayroon silang kontrata lalo na sa kanilang valued clients na mayroon silang tamang pondo para ipagpatuloy ang operasyon ng dalawang kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …