Thursday , June 4 2026

Calayag ng NFA nagbitiw

NAGBITIW na sa pwesto si National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag.

Ayon sa ulat, layunin niyang mabigyan ng kalayaan ang bagong talagang kalihim na mangangasiwa sa NFA at iba pang ahensya ukol sa food supply na si Sec. Kiko Pangilinan.

Matatandaan, itinalaga si Pangilinan noong nakaraang linggo lamang, kasabay nang pagbuo ng hiwalay na tanggapan mula sa Department of Agriculture (DA) na dating may hawak sa NFA.

Si Calayag ay itinalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Enero 17, 2013 sa kanyang tanggapan bilang kapalit ni Angelito Banayo na tumakbo noon sa halalan bilang kongresista.

Habang noong nakaraan weekend lamang ay nagbitiw si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Margie Juico.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …