Thursday , June 4 2026

Ping iwas-pusoy sa ‘Napoles list’ ni Sandra Cam

DUMISTANSYA si rehab czar Panfilo Lacson sa sinasabing “Napoles list” ni jueteng whistleblower Sandra Cam, at iginiit na wala rin siyang alam sa listahan na hawak ni Justice Secretary Leila de Lima.

Sa ambush interview sa Palasyo, sinabi ni Lacson na hindi sa kanya nanggaling ang Napoles list ni Cam na sinasabing naglalaman ng pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam

“On Napoles list? I have it, hindi ko alam kung ano ang ibinigay kay Sec. De Lima. Hindi ko alam ang tungkol kay Sandra Cam. There is only one copy given by Mrs. Napoles,” aniya.

Sinabi pa ni Lacson, affidavit na walang pirma ni Napoles ang ibinigay sa kanya ng mister at mga anak ng negosyante at naniniwala siyang hindi kompleto ang salaysay ng pork barrel scam queen.

“Affidavit ang ibinigay sa akin na unsigned  … and then may narration of facts parang histogram how she get into that business … hindi ko alam ang motive ni Napoles, sabi ko hindi kompleto ito… hindi ito ung tell all na I was expecting,” dagdag pa niya.

Magugunitang isiniwalat ni Cam na mayroon siyang kopya ng listahan ng mga mambabatas na sangkot sa PDAF at Malampaya scams na nakasaad sa affidavit ni Napoles.

Hiniling din ni Cam kay De Lima na mas makabubuting ilantad na ang affidavit ni Napoles sa publiko ngunit tumanggi ang DoJ chief.

Kinatigan ng Palasyo ang paghingi ng panahon ni De Lima bago niya ilabas ang affidavit ni Napoles.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …