Friday , May 17 2024

Arabo tigok sa alak

PATAY ang isang Arabo nang matagpuan sa kanyang kuwarto sa inuupahang hotel, sa Ermita, Maynila, kahapon.

Kinilala ang biktimang si Mohammed Jaber, 67 anyos, Saudi Arabian national, naka-check-in sa Room 1904 ng Pearl Manila Hotel sa Taft Avenue malapit sa kanto ng UN Avenue, Ermita.

Sa imbestigasyon ni  SPO1 Rommel del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5:29 a.m. natagpaun ang bangkay ng biktima ng kasintahang kinilalang si Krisna Javellana.

Ayon kay Javellana, dumating ang biktima sa Filipinas  nitong Mayo 6 bilang turista at nag-check in sa nasabing hotel na tatagal hanggang isang buwan.

Sa pagbalik ni Javellana  sa hotel para sunduin si Jaber dakong 4:00 a.m.  dahil maaga silang aalis papuntang Boracay, nagulat siya nang hindi magising ang biktima.

Kaya agad nagpasaklolo si Javellana  sa mga tauhan ng hotel upang dalhin sa katabing Manila Medical Center si Jaber pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay nakaubos ng tatlong lata ng serbesa at uminom ng local brandy base sa basyong nakita sa tabi ng bangkay.

Sa pagsisiyasat ng MPD – Scene of the Crime Operatives, walang  injury sa katawan ng biktima at hinihinalang nasobrahan sa alak ang Arabo.

(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop jr.,Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

About hataw tabloid

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *