Dear Senor H,
Bkit po ako na2ginip ng kumakain ako ng hayop (09471501434)
To 09471501434,
Kapag sa panaginip ay kumakain ka na may kasama, may kaugnayan ito sa harmony, intimacy, merriness, prosperous undertakings, personal gain, and/or joyous spirits. Kapag kumakain ka nang mag-isa, posibleng nangangahulugan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pamil-ya, pagkakahiwalay ng magkarelasyon at pagkatalo sa negosyo. Kung ikaw naman ay kumakain ng bulok na prutas, ito ay nagsa-suggest ng mga lumagpas o nawalang pagkakataon na may kaugnayan sa iyong pag-unlad at kaligayahan. Kung nanaginip naman na kumakain ng isda, ito’y simbolo ng iyong beliefs, spirituality, luck, energy at nourishment. Ito ay sagisag ng pagkain para sa kaluluwa.
Ang panaginip naman ukol sa mga hayop na tulad ng baka o kalabaw ay sumisimbolo ng iyong passive and docile nature. Ito ay nagpapakita ng pagsunod sa kagustuhan ng iba ng hindi nag-iisip o nagtatanong pa. Alternatively, ang ganitong mga hayop ay nagre-represent ng maternal instincts o ng kagustuhang maalagaan o pangalagaan sila. Para sa ilang kultura, ang baka ay nagre-represent din ng divine qualities of fertility, nourishment and motherhood.
Señor H.