Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kid Molave 8 iba pa nagnomina sa 1st leg Triple Crown

PINANGUNAHAN ni Kid Molave kasama ang 8 iba pang mananakbong lokal ang pagnomina para sa nalalapit  na 2014 Philracom 1st Leg Triple Crown Stakes Race sa Mayo 18 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas sa darating na Mayo 18.

Kinompirma ng Philippine Racing Commission (Philracom) na 15 horse owners naman ang nagnomina sa Hopeful Stakes Race na nakatakdang  ganapin sa Mayo 17, isang araw bago ang Triple Crown.

Kabilang sa mga magsisitakbo sa Triple Crown ang Low Profile, River Mist, Winter’s Tale, Kanlaon, Dixie Gold, Tap Dance, Kaiserlautern, at Matang Tubig.

Sa Hopeful Stakes race ay nangunguna naman  sa mga tatakbo si  Up and Away, Marinx, Misty Blue, Love na Love, WO WO Duck, Hermosa Street, Wild Talk, Jazz Again, Hellow Patrick, Malaya, Castle Cat , The Lady Wins, Hidden Moment at Heart of A Bull.

Ang mga nagnomina ay  pawang local 3 year old fillies at colts na  maghaharap sa distansiyang 1,600 meters.

Nakataya ang P3 milyong papremyo sa 1st Leg Triple Crown na ang mananalo ay mag-uuwi ng P1.8 milyon at trophy mula sa Philracom.

Nakataya naman ang P1- milyon sa Hopeful Stakes race na ang magwawagi ay mag-uuwi ng P.6milyon.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …