ni Peter Ledesma
KAHIT may anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nagsasama sa isang bubong sina Katrina Halili at Kris Lawrence.Sa parte ni Kris ay matagal na pala niyang gustong pakasalan si Katrina kaso paulit-ulit naman siyang tinatanggihan ng karelasyong Kapuso sexy actress at ayaw pang pakasal sa kanya.
Yes, kahit na lumalaki na ang kanilang si Baby Katie, hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Katrina. Katuwiran kasi niya dapat ay pareho na muna silang stable ni Kris bago sila lumagay sa tahimik. Saka marami pa raw pangarap si Katrina sa buhay na hindi na niya magagawa kapag tuluyan nang nagpatali.
Sabagay may career pa rin naman ang actress sa GMA at kailangan niyang i-grab ang mga offer sa kanya para sa future ng kanyang daughter. Saka madalas naman silang magkita ni Kris dahil natutulog sa condo niya sa Kyusi at madalas rin ang bonding nilang pamilya. So, okey naman daw sa sexy actress ang ganitong set-up nila ni Kris. Nakatira naman ang nasabing R&B singer sa kababayan at bestfriend na si Jay R. Pagdating naman sa kanyang career kahit paano ay may mga show naman si Kris at supportive naman siya sa kanyang mag-ina.
Ayos gyud!
IKAW LAMANG AT DYESEBEL NG DREAMSCAPE AGAW-PANSIN SA TV VIEWERS
Parehong makapigil hininga ang episodes ng Ikaw Lamangat Dyesebel last Friday sa Primetime Bida sa Kapamilya network.
Sa Ikaw Lamang, ‘yung mga kasama ko sa bahay halos hindi na kami lahat umaalis sa aming kinauupuan dahil ayaw naming mabitin sa wedding night episode ng teleserye na ikinasal na nga si Isabelle (Kim Chiu) sa kababata at lalaking hindi niya mahal na si Franco (Jake Cuenca). Dahil naiipit na sa sitwasyon at gusto niyang mabuhay ang lalaking tunay na iniibig na si Samuel (Coco Martin), isinakripisyo ni Isabelle ang kanyang sarili na pumayag nang magpakasal kay Franco. Walang kamalay-malay ang dalaga na sa bisperas ng kasal nila ni Franco ay binababoy na sa pamamagitan ng torture ang nobyong si Samuel ng mga tauhan ni Franco. Matindi ang ginawang pag-torture kay Samuel. Nandiyang tadyakan siya, bugbog-sarado at kinoryente pa. Sa eksenang ito ay muling ipinakita ni Coco ang husay niya sa drama na sa ganitong forte ay masasabi natin sa kanyang henerasyon ay siya na ang pinakamagaling. Makadurog puso rin ang lahat ng scenes dito ni Kim, na kitang-kita na habang ikinasal sa simbahan ay malungkot na malungkot ang mukha at nasusuklam kay Franco. Pagkatapos ng kasalan, ano kaya ang mangyayari sa dalawa? Lalo pa’t nagbitiw ng mga salita si Isabelle kay Franco na kasal lang sila sa isang pirasong papel, pero ang puso niya ay para kay Samuel lang. Lalo na ngayong walang kaalam-alam ang lahat sa pagliligtas ng pari kay Samuel. Ano ang mga gagawing hakbang ng binata mabawi lang ang babaing pinakamamahal na si Isabelle? Wala rin kaming masabi sa acting dito nina Jake, John at Ronaldo na talagang kamumuhian ang mga character. Nabigyan pareho ng justice nina John at tito Ronaldo ang kanilang pagiging kontrabida sa buhay ng mag-inang Elena (Cherry Pie Picache) at Samuel. Sobrang sama ng character ng mga nasabing actor at effective sila. Kung acting lang din naman ang pag-uusapan ay marami rin napapabilib gabi-gabi si Julia Montes sa kanyang papel bilang matryr na si Mona. Pampelikula naman ang ipinamamalas na pag-arte rito nina Cherry Pie, Cherie Gil, Angel Aquino at Tirso Cruz III. Dahil sa mabilis na flow ng istorya, at gabi-gabi ay mayroon bagong pasabog na eksena ay consistent ang Ikaw Lamang sa pagiging No. 1 Teleserye sa Primetime Bida.
Samantala, pinag-uusapan din at hindi binibitiwan ng manonood ang Dyesebel ni Anne Curtis kasama sina Gerald Anderson, Sam Milby, Andi Eigenmann, Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Ms. Ai Ai delas Alas, Gina Pareno, Ogie Diaz etc. Yes lahat ay nakatutok at nag-aabang sa nalalapit na pagrampa ni Dyesebel sa lupa lalo na’t natagpuan na nito ang mahiwagang kabebe. Samantala mula sa islang pinagtaguan sa kanya ni Liro (Sam Milby) ay nahuli si Banak (AiAi) ng mga mangingisda at pinag-interesan siyang dalhin sa perya, para pagkakitaan. Para makaligtas ay sumigaw si Banak na ikinabingi ng mga taong kumuha sa kanya. Pero narinig naman siya ng mga tauhan ni Dyangga (Eula Valdez). Hinuli su Banak at ibinalik sa dagat at iniharap kay Dyangga. Pilit pinaaamin kung nasaan ang anak na si Dyesebel? Nang sabihing hindi niya alam kung nasaan ay agad nag-utos si Dyangga na ikulong siya. Magkita pa kaya ang mag-ina lalo pa’t ang alam ni Dyesebel ay nasa lupa rin ang kanyang ina?
Samantala, nagtangkang magpakamatay si Betty (Andi Eigenmann) dahil inayawan na siya ni Fredo (Gerald Anderson). Ano kaya ang susunod na mangyayari kapag nagtagpo na sa lupa sina Dyesebel at Fredo at ano ang maaring gawin ni Betty sa diyosa ng karagatan? Hindi ba’t tunay na kaabang-abang ang master teleserye na Ikaw Lamang at Dyesebel na parehong world-class teleserye na tinatangkilik ng mga Kapamilya sa bansa at abroad via The Filipino Channel (TFC). Mapapanood ang Dyesebel bago mag-TV Patrol na susundan naman agad ng Ikaw Lamang.
Congrats sa buong cast at Team Dreamscape gyud!
SABEL “JULIA BARRETTO” GONZALES NG PANGASINAN GRAND WINNER SA SUPER SIREYNA WORLDWIDE QUEEN OF FLOWERS
Among five weekly grand finalists na nag-compete last Saturday sa Eat Bulaga para sa “Super Sireyna Worldwide” Queen of Flowers. Si Sabel Gonzales, ang “Julia Barretto” ng Pangasinan ang nag-stand out sa panel of judges na kinabibilangan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, 4th Runner-Up Miss Universe 2010 Venuz Raj, Dabarkads Isabelle Daza at ng famous fashion designer na si Avel Bacudio. Dahil siya ang nakapasa sa panlasa ng mga judges at deserve naman talaga niya to win the crown.
Si Sabel ang siyang nakasungkit ng pinaglabanang title na Super Sireyna Worldwide Queen of Flowers na bukod sa tropeo ay tumanggap ang pretty, talented at articulate na grand winner ng tumataginting na P200K na ang malaking percentages ay kanyang ido-donate sa napiling foundation na gusto niyang suportahan. Pinagkalooban dng cash prize ang apat na tinalo ni Sabel na sina Kaye Hernandez ang “Jodi Sta Maria” ng Fairview Quezon City, Britney Madali na “KC Concepcion” naman ng Kyusi pa rin, Amanda Vera Perez na “Ariella Arida” ng Caloocan City at ang Kris Bernal ng QC na pagkaganda-gandang si Love Marie Ynarez.
Mga tunay na girl, ang dating gyud!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com