Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga kuwento ng tagumpay at kabiguan sa GRR

MARAMI ang naniniwala sa kasabihang Pinoy na, “pag may tiyaga may nilaga.” At ang tao raw na may ambisyon at kakabit na pagsisikap at may positibong pananaw ay makararating sa tugatog ng tagumpay.

Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. dahil may panayam ang host-producer na si Mader Ricky Reyes sa mga taong nagtagumpay sa kani-kanilang larangan.

May talent sa pagpapatawa ang sidewalk vendor na si Didong. Pangarap niya’y magamit ang comic talent at sumubok siyang sumali sa mga stage show na natuklasan siya ng isang talent manager na nagbigay sa kanya ng break sa entablado. Ngayo’y ‘di na tumatakbo sa lansangan si Didong lalo na kung dumarating ang mga pulis na nanghuhuli sa mga tindero sa bangketa. Pinapalakpakan na siya ngayon at isa nang sikat  na komedyante sa  entablado.

Isa pang susi sa tagumpay ay ang personalidad ng isang tao.  Ilalahad ng isang ginoo na matapos siyang bigyan ng total make over ng GRR Salon ay nginitian na siya ng suwerte.

Pero ‘di lahat ng nangarap ay nagtagumpay. Isang ginang na piniling maging overseas worker para gumanda ang buhay ng kanyang mga anak. Naging maramot ang kapalaran sa babae na umuwing luhaan sa mga anak.

Ano ang buhay matapos magwagi sa isang beauty pageant? May interbyu si Mader sa Miss Earth Philippines 2014 at iba pang finalist kung paano nila pinaghandaan ang timpalak kagandahan. Ibabahagi rin nila ang mga plano matapos maputungan ng korona.

Laging panoorin ang GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision tuwing Sabado sa GMA News TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …