Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Herbert, hinahabol si Kris?

 

ni  Alex Brosas

“WHAT’S with this QC Mayor Herbert Bautista na gabi-gabi tinatawagan pa rin si @krisaquino214 kahit na totally dedma/hindi na sya pinapansin?”

‘Yan ang naka-post sa official Kris Aquino Facebook account.

Nakakaloka, ‘di ba, kasi parang pinalalabas na habol nang habol itong si Mayor Herbert sa nanay niBimby. Parang pinapahiya na nila si Mayor Herbert dahil pinalalabas nilang patay na patay ito sa Queen of All Media.

Helllooooo? Sino kaya ang panay ang kuwento tungkol kay Mayor, hindi ba si Kris? Hindi ba’t ikinukuwento niyang nagpapadala sa kanya ng fruits si Mayor Herbert, na pinanonood siya nito gabi-gabi?

Sabi ni Kris, ayaw na niyang pag-usapan si Mayor Herbert, na first and last na niya ‘yung ginawang interview sa kanya ni Boy Abunda sa kanilang show. Eh, bakit panay pa rin ang chika niya at patutsada sa ere na para bang kay haba-haba ng hair niya?

Sana, bago mag-post ng ganito sa official Facebook account ni Kris ay mag-isip muna ang admin. Nagmumukha silang tanga dahil ang amo nila ay panay naman ang kuwento sa show niya ng mga pangyayari sa kanila ni Herbert, ‘no!

“#whatswithyouKrisAquino? why do you have to tell the world those things? why are you still bragging such? what are you trying to prove? that HB is still begging? #enoughalreadyofyourdramas. if it’s over, then let it go, move on. block his number from your phone, as simple as that,” comment ng isang guy.

Nagpatutsada rin ang isa when he said, ”you’re #matalinongtanga indeed! or #superKSP ba?”

“In my honest OPINION..I hope Kris will do something about this: SUCH ISSUE MUSTN’T BE ANNOUNCED TO THE WHOLE WORLD OR TO the NETIZENS due RESPECT to Mayor HB. If Kris is dedma about it then let it be…this issue must remain DEAD…..kaya nga po DEDMA si KRIS. thanks po. ADMIN HA? tsk tsk tsk,” say naman ng isa pa.

“Ok.just keep it secretly, wag mo ng ibroadcast, alam mo naman ang lalaki, baka dedmahin p, Move on n ms.krsi, hindi sya talaga para syo.we will pray you n makahanap k ng karapat dapat, talaga yatang ganun, pag maganda career mo, pangit ang lovelife, kaya focus ka na lang kay bimby at josh.take care always,” payo naman ng isang Kris fan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …