Thursday , June 4 2026

Napoles hihirit ng hospital extension

HIHIRIT ng extension ang kampo ni Janet Lim-Napoles para manatili pa rin sa Ospital ng Makati kahit maayos na ang kalagayan makaraan ang matagumpay na operasyon.

Ayon sa legal counsel ni Napoles, nakatakda silang maghain ng kahilingan sa Makati City Regional Trial Court (RTC) para palawigin pa ang hospitalization ng kanilang kliyente.

Giit ng kampo ni Napoles, dumaan sa major operation ang pasyente kaya dapat bigyan ng panahon para gumaling bago ibalik sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.

Ngunit para sa prosekusyon, 26 araw lang ang inilaang panahon para sa surgery ng binansagang pork barrel fund scam queen at ito ay nagtapos na noong weekend.

Gayonman, kung mapatutunayan anilang kailangan pa ang naturang extension ay ipauubaya na lamang nila ito sa Makati RTC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …