ni Pilar Mateo
WHERE her bashers are concerned, sa mga patuloy na tinitira naman si Angel Locsinna siya raw ang nag-cheat sa relasyon nila ng dating kasintahang si Phil Younghusband, natawa lang ng aktres.Dahil kung alam daw ng basher na ito, na ayon na rin kay Angel eh, alam niyang isang account lang na nag-iiba-iba ng identity, ang history ng buhay niya, siya pa nga raw ang madalas na maloko sa relasyon niya dahil na rin sa mga pumapasok sa relasyon niya at ng kung sinong minamahal niya.
“’Pag sobrang mean na ang mga sinasabi about me at below the belt na, asahan niyo roon ako talaga magsasalita. Pero,itong iniisyu sa akin na cheater ako, ‘di ko papatulan kasi kilala ko ang sarili ko. Mabait na tao si Phil at naghiwalay kami na magkaibigan. Kaya, huwag nilang baguhin ang istorya namin. Kaya nga up to now, he’s still in my Instagram kasi wala kaming galit sa isa’t isa.”
Take a cue from an angel!