Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Anthony, tsutsugiin na rin sa isang serye dahil sa ‘speech defect’

ni  Ronnie Carrasco III

ALMOST on the brink na rin daw ang pagkakatsugi kay Mark Anthony Fernandez sa isang umeere namang psycho-drama ng GMA.

Mark plays an obsessed man whose love for Yasmien Kurdi’s character ay hindi naman kayang suklian nito.

Ang buong akala namin ay kami lang ang nakakapansin ng kakaibang “speech defect” ni Mark sa tuwing magbibitaw siya ng mga dayalogo.

May kung ano kasing nakabara sa kanyang bibig habang nagsasalita, thus making every line that he utters difficult to understand.

Napuna rin daw ito ng network management, pero hindi kami tiyak kung ang pagpuna nilang ‘yon resulted in Mark’s shortened taping days until he corrected kung anong diperensiya sa kanyang pagsasalita.

Worse, ang ibang malisyosong tao ay agad naging mapanghusga sa aktor, is Mark Anthony still at it? Ang tinutukoy nila ay ang umano’y naging problema noon ng aktor, and what else could it be kundi ang masadlak din sa droga?

Hindi nga ba’t ilang beses nang napabalita ang pagsasailalim ni Mark sa mga rehab program?

In fairness though to Mark, nitong mga ilang nagdaang episode ng kanyang teleserye, gone is his lisp. Halatang natanggal na ang tila binilot na labakarang nakabara sa kanyang bibig, at maayos nang dumadaloy mula roon ang mga linyang naiintindihan na ng mga manonood.

Hindi tuloy napigilang magkomento ang isang malditang fan kung sakaling nasasadlak pa rin daw si Mark sa bisyo, ”Naku, kung ganyan din lang si Mark, eh, mabuti pang magkabalikan na lang sila uli ng dati niyang nobyang si Claudine Barretto!”

We rest our case.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …