Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sumaklolong pulis utas sa anak ng school owner

INIIMBESTIGAHAN ng Pasig PNP ang pagkakapaslang sa isang Pasig police na bumulagta matapos magpaputok ng shotgun ang amok na  si-nabing anak ng may-ari ng eskwelahan sa Pasig City.

Gayonman, lumutang din ang espekulasyon na

nabaril ang biktimang si SPO1 Clemente Fernan ng dalawa niyang kasama  sa pag-aakalang suspek siya, kamakalawa.

Ayon kay Supt. Ma-rio Rariza, nagsasagawa ang kanyang tanggapan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng biktimang si Fernan.

Sa ulat, nabaril ng kapwa Pasig police ang biktima nang magres-ponde sa pagwawala ng anak ng may-ari ng St. Gabriel International School.

Ayon sa report, nakasibilyan si Fernan at naglalaro ng basketball sa compound ng paaralan ng hingan ng saklolo ng isang sekyu dahil sa pagwawala  ni Emerson Aries Go, anak ng school owner.

Agad tumalima si Fernan, pero bago pa siya makalapit ay pinutukan na siya ng shotgun na hawak ni Go.

Kasabay umano nito dumating ang dalawang pulis na hindi pa pina-ngangalanan.

Sa ulat, napagkamalan umano ng dalawang pulis na suspek ang nakasibilyang si Fernan na agad bumulagta sanhi ng tama ng baril ng shotgun.

Inaresto si Go at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

Isinailalim sa awtopsiya ang  bangkay ni Fernan para tiyakin kung kanino galing ang balang kumitil sa kanyang buhay. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …