Thursday , June 4 2026

Bisita sa kasalan utas sa boga ni tserman

SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaghahanap ng pulisya ang punong barangay na pumaslang sa isang lalaki habang nasa kasagsagan ng kasayahan ng kasalan sa Brgy. Baracbac Este sa bayan ng Balaoan, La Union.

Ang suspek ay kinilalang si Barangay Baracbac Este Chairman Elmer Ordanza.

Ayon sa Balaoan Municipal Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktimang si Arnold Navalta, 34, habang sila ay nasa nabanggit na pagdiriwang kamakalawa ng gabi.

Bumunot ng baril ang kapitan at pinagbabaril ang biktima.

Agad tumakas ang suspek makaraan ang krimen na ikinabulabog ng mga dumalo sa kasalan.

Naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

(LANI CUNANAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …