Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, aminadong bad girl

ni  Alex Datu

NAKABIBILIB ang pagiging totoo ni Gretchen Barretto nang nakapanayam namin siya. Inamin nito ang pagiging bad girl nang ikompara ang sarili sa anak.

Very proud sila ni Tony Boy Cojuangco dahil at her young age ay may nagagawa na itong mga bagay na they’re proud of at ito ang dahilan kaya mahal siya ng ama.

“She’s making us proud of her, I can’t ask for anything more. She’s a good girl hindi katulad ko, bad girl. Kaya naman, nasabi nitong mas mahal siya ng kanyang dad more than me,”

Inilunsad ang anak nina Greta at Tony Boy bilang endorser ng isang produkto pero iginiit ni Greta na hindi magpu-full time ang anak sa showbusiness lalo pa’t the next day ng mga sandaling ‘yun, babalik uli ito sa London para sa kanyang pag-aaral. “She’s doing commercial, ‘yun ang kanyang gustong gawin. She’s 19, shes an adult.  Kaya, she now decides for herself.”

Sa ngayon, masaya siya dahil lumaking esmarte ang anak kaya hindi na nito kailangang pagsabihan ito ng, “You are not allowed or you’re allowed thing. But, I think hindi pa niya ini-entertain ang suitor kung mayroon man because I guess, she is very busy with work,” sabi nito.

Para kay Gretch, it’s early to say tungkol sa showbiz-career ni Dominique at maghihintay pa ng tatlong taon bago matapos ito ng kursong designing. “Right now, I’m spending a lot in sending her to school. I want her to be a very, very successful international designer.  That’s what I dream for her. She will be more fabulous than me, believe me. I dream for my daughter to be better than me.”

Nanay na nanay ang dating ng aktres, very domesticated pero nang tanunging siya tungkol sa problema ng pamilya ay ayaw na niya itong pag-usapan. Aniya, naka-move on na silang magkakapatid at hindi na ito importante para pag-usapan uli. “Enough is enough. We have become very positive, we are living a comfortable life now, peaceful life. I mean, to deal on negative things, what for?”

Tama naman ang aktres sa kanyang tinuran kasi pinagpiyestahan sila sa media for the past years tulad ng labasan ng baho at sagutan on national TV and print. “I would not talk about it. I hope you will respect me. I said it many times and if you wanna talk about just these people to get ratings, I’m not going to give it to you. I’m serious, why try and make me talk and then make people miserable just for to rate.” Tama naman!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …