Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong Navarro, okay lang makatrabaho si Ellen Adarna

ni  Nonie V. Nicasio

NAINTRIGA ang pagkawala ni Ellen Adarna sa pelikulang pinagbibidahan ni Vhong Navarro titled Da Possessed na mapapanood na sa April 19.

Una kasing napa-ulat na isa sa casts dito si Ellen, ngunit biglang nagbago ng line-up ang pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Joyce Bernal. Kaya dito nagsimula o nagkaroon ng kulay o intriga. Kaibigan kasi ni Ellen si Cedric Lee na siyang isa sa nambugbog kay Vhong sa condo ni Deniece Cornejo.

Nilinaw naman ni Vhong na wala siyang say sa mga bagay na ito at okay lang sa kanyang makatrabaho si Ellen.”Oo naman, willing ako makatrabaho. Nagkataon na ang management ang nag-decision na hindi makakasama si Ellen kasi mayroon din siyang mga projects na gagawin. Management decision po iyon,” saad ni Vhong.

Sa pagkaka-alam namin, si Angel Locsin talaga dapat ang leading lady dyan ni Vhong pero hindi puwede ang aktres. Tapos ay sumulpot nga ang pangalan ni Ellen, pero eventually ay naging si Solenn Heusseff ang leading lady rito ni Vhong.

“Ako naman kasi, every time nagkikita kami ni Solenn, gusto ko sabihin sa kanya na gusto ko siya makatrabaho. Nalaman kasi namin na exclusive pala siya sa Regal pero nakakatuwa na si Mother Lily (Monteverde) na pinahiram siya sa amin right now. Ang totoo niyan ay gusto ko talaga makasama sa pelikula si Solenn.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …