HINDI sigurado si coach Norman Black kung lalaro ang import niyang si Richard Howell ng Talk n Text mamaya kontra Globalport sa huling asignatura ng Tropang Texters sa eliminations ng PBA Commissioner’s Cup.
Sumakit ang balikat ni Howell dahil sa masama niyang bagsak dulot ng foul ni Paul Lee sa ikatlong quarter ng larong pinagwagihan ng Texters, 85-82.
Nasa ospital pa si Howell hanggang ngayon dahil sa kanyang tinamong injury ngunit iginiit ni Black na hindi niya papalitan ang kanyang import.
Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT upang walisin ang eliminations at nakakuha na nito ang top seed sa quarterfinals na may kasamang twice to beat advantage.
(James Ty III)