Monday , April 29 2024

Kris, nakasira ba ng pamilya sa pakikipagrelasyon kay Herbert?

ni  Nonie V. Nicasio

MARAMI ang nagulat nang kompirmahin ni Kris Aquino na may relasyon nga sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Nang unang pumutok ang balita hinggil kina Kris at Herbert, marami ang nagsasabing tsismis lang daw ito at ang iba naman ay nag-spe-culate na maaaring may gagawing pelikula lang ang dalawa. May nagsabi rin na political move lang daw ito. May mga bulong-bulungan kasi na papasok na rin sa politika si Kris at si Mayor Bistek naman, aasintahin ang mas mataas na posisyon sa mga susunod na eleksiyon.

Kaya nang basahin ni Kris sa The Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN ang kanyang pag-amin sa namamagitan sa kanila ni Mayor Herbert, karamihan ay nabigla.

Natural, after ng rebelasyon ni Tetay, ang focus naman ng media ay ang magiging paha-yag o reaksiyon dito ni Ms. Tates Gana, ang long-time partner ni Mayor Bistek at erstwhile First Lady ng Quezon City. Pero so far, umiiwas daw itong magbigay ng pahayag. Abala raw si Ms. Tates sa pangangalaga sa kanilang dalawang anak ni Mayor Bistek.

Ang latest info na nakalap namin, masamang-masama raw ang loob ng anak nina Ma-yor Bister at Ms. Tates na sina Athena at Harvey (na kapwa nag-aartista na rin nga-yon) sa relasyong Kris at Bistek. Kaya aalis muna raw ang mag-iina papuntang Amerika upang makapagbakasyon at magmuni-muni.

Hindi kami sure kung nang umentra si Kris sa buhay ni Mayor Bistek ay hiwalay na ang huli kay Ms. Tates. Pero sakaling hindi pa officially hiwalay talaga sina Tates at Bistek nang nagkaroon ng Kristek, hindi ito maganda para kay Kris. Parang lumalabas kasi na nakasagasa o nakasira siya ng isang pamilya in the process.

Pero since sinabi ni Kris na ang mga paha-yag niya sa The Aquino & Abunda Tonight ay ang una at huling pagkakataon na magsasalita siya ukol sa relasyon nila ni Bistek, hindi na nga kaya magpapaliwanag sa bagay na ito si Kris?

Anyway, alam ng lahat na sa mundo ng showbiz, ang mga nakakikiliti at maiinit na balita ay labis na pinagpipistahan at tinututukan. Kaya iba ang lakas ng dating ng balita ukol sa relasyong Kris at Herbert. Kaya lamang, kung may pamilyang nasagasaan at may dalawang batang lumuluha sa pagguho ng kanilang pamilya, dapat nga bang ‘kunsintihin’ ng showbizlandia ang relasyong Kristek o Bistetay?

Tia Pusit, bilib sa stars ng Ikaw Lamang

NAPAKA-VOCAL ni Tia Pusit sa kanyang Facebook sa pagsasabi ng mga magagandang experience niya sa set ng drama series na Ikaw Lamang na gumaganap siya bilang yaya ni Kim Chiu.

Dahil dito, nakipag-chat kami sa beteranang aktres at puring-puri nga niya ang mga bituin ng Ikaw Lamang, ang isa sa top rating TV show ngayon ng ABS CBN.

Kabilang sa co-stars niya na bilib si Tia Pusit sa kabaitan ay sina Coco Martin at Kim dahil kahit sikat daw ang mga ito ay marunong gumalang at mababait talaga.

“Sila ang nag-aabot ng kanilang kamay sa akin. Kaya sobra akong elated sa gesture ng mga artistang ito. Sina Coco Martin, John Estrada, Ronaldo Valdez, Cherie Pie, Cherie Gil, Angel Aquino, Kim Chiu, Julia Montes, Ronnie Lazaro, Simon Ibarra, Lester Llansang, Tirso Cruz III…

“Puro may mga puso sila sa mga senior star na katulad ko, iba rin ang kababaang loob ni Direk Malou Sevilla at Avel Sunpongco, Unit 1 and 2 respectively.

“I’m a fan ng mga artistang nabanggit, pati mga bata, grabe sa galing lahat. Walang itulak-kabigin, iyan talaga ang nagagawa ng constant workshop ng mga taga-Dos,” esplika sa amin ng magaling na comedienne.

Sabi pa ni Tia Pusit sa kanyang FB kamakailan: “Napaka swerte ko po na makatrabajo ang mga ginagalang na directors ng ABSCBN na Superrrr mabait, COOL,wlang moods na masamang Ugali,makatao lalo na sa mga crew ng aming teleserye at mga artista.  Salamat po Panginoon sa pag bigay pagkkataon na mapabilang sa hanay ng teleseryeng IKAWLAMANG at madama ang sincere love of work nila directors MALOU SEVILLA, AVEL SUNPONGCO at MANNY PALO.”

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *