Friday , November 15 2024

Sino si KBL, ang kontak ng Yakuza sa Customs ?

NAPAPANAHON na maimbestigahan ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa o ni Commissioner John P. Sevilla ang isang ex-customs police officer na may bansag na ‘KBL’ sa Bureau of Customs sa umano’y pagiging kontak ng kriminal gang ng Japan na Yakuza mobster.

Si KBL customs officer ang umano’y naging conduit ng Yakuza para i-entertain (wining, womening, and dining, all in the house) para sa isang official din ng Bureau nang ang huli ay maimbitahan kasama ang ilan pang Bureau officials upang mag-training sa pamamagitan ng Japanese International Coordinating Agency (JICA) nang one week, na regular na ginagawa ng JICA to transfer technology sa B0C.

Tila naging iba ang paniwala ng isang opisyal na PNoy appointee pa naman. Pagdating ng B0C delegation sa Tokyo, ang opisyal na nasabi “missing in action” agad at “could not be accounted for.”

Ang nangyari pala, from the airport, kinaon na ng isang limousine na umano, was provided by the Yakuza, na  isa sa mga sumalubong sa airport sa opisyal kasama pa ang isang junior officer niya, and started to paint the city red.

Alam naman natin kung mag-entertain ang Yakuza, isang deadly crimincal gang na may mga member sa Pinas na ang iba ay inaaalagaan ng mga taga-Immigration at mga pulis, kasama na rito iyong mga nakadestino sa mga airport ntin.

Wala naman kontak si PNoy appointee, kaya ‘yun palang si ‘KBL’ customs officer  ang nag-arrange everything. Kaya naman hindi puwedengg mawala sa kanyang pwesto si KBL. Matagal na palang si KBL officer ay konek sa mga Yakuza na notorious sa women at drugs trafficking.

Siya pala ay nadestino na noon pa sa NAIA-Customs. Marami rin mga taga-Immigration noon na may konek sa Yakuza.

Ano ang malay natin na si ‘KBL’ ay nagbebenta (hindi ng aliw)  kundi ng protection sa kanyang mga Yakuza friend in exchange for protection money.

Hindi ito dapat palampasin nina Commissioner Sevilla at Dellosa. Isa itong malaking batik sa kanilang leadership. Isipin na lang na Yakuza ang nag-sponsor ng trip ni PNoy appointee. Dahil sa galit o inis ng JICA, pinauwi ng una si PNoy appointee at isa pang aide niya.

Nag-START na ang imbestigasyon nitong linggong ito. Sana naman hindi magkaroon ng cover-up. Sawang-sawa na si Huwan Pasang Krus sa mga investigation na walang kinahahantungan.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *