Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dumudumi napuno ang bowl sa drim

Gud am po senor,

Npanagnpan q ung kpitbhay nmin, sumunod naman na eksena ay dumudumi daw aq at punong2 na dw ung bowl ng cr? Vkit po b ganun dreams q, ano kya meaning ni2? salamt ng marami sir senor,wait q ito s hataw… wag u ipost tong no. q s hataw… jst kol me Ronnie.. im fr. mrkna…

To Ronnie,

Kung ang nakitang kapitbahay sa panaginip ay mabait o mabuti sa iyo, ito ay nagsasaad ng enjoyment and tranquility sa inyong tahanan. Kung ang napanaginipan namang kapitbahay ninyo ay galit o hindi pala-kaibigan, ito ay nagre-represent ng hinggil sa dissension at disappointment. Mayroon kang dapat harapin na kalagayan o bagay sa iyong kapitbahay. Alternatively, ang ganitong uri ng bungang-tulog ay posible rin namang nagsasabi ng pangangailangan sa relocation mula sa inyong tahanan. Maaaring ito rin ay nagsasabi ng pangangailangan ng change of scenery.

Hinggil naman sa pagdumi mo, ang ganitong panaginip ay maaaring nagpapakita na ang ilang aspeto ng pagkatao mo na marumi o negatibo. Kailangan mong kilalanin at ilabas ang ganitong mga emosyon, kahit na hindi maganda o nakakahiya man ito. Ilabas ang mga negative na bagay sa iyong buhay upang magsimula ang pagbabago. May mga paniniwala rin ang iba na ang dumi ng tao ay may kinalaman sa agam-agam ukol sa pera at financial security. Ang iba ay nagsasabi na kapag nakahawak ng dumi ng tao sa panaginip, nagpapakita ito ng suwerte sa negosyo o pagkakaperahan. Sa puntong punong-puno ng dumi sa banyo, maaaring nagpapahiwatig naman ito na ikaw ay hindi sang-ayon na pakawalan o palayain ang iyong damdamin. Naroroon ang tendency mo na sarilinin ang mga bagay na bumabagabag at gumugulo sa iyong damdamin. Dapat mong baguhin ito, ngumiti ka sa bagong umaga at harapin ang buhay sa positibong paraan. Maging matatag sa bawat pagsubok dahil bahagi lang ito ng buhay ng bawat tao.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …