TINABLA at hindi na raw makaporma ang mga pulis-MAYNILA ngayon dahil sa pag-epal ‘este’ pagsulpot daw ng isang Calinisan na batang-sarado umano ni ousted President YORME ERAP ESTRADA.
Itinalaga raw si Cainisan ‘este’ Calinisan na sulsoltant ‘este’ consultant on Police Affairs sa Manila city hall.
Ayon sa ating impormante sa MPD HQ, mahigpit daw ang utos at hindi na raw pinagagalaw ang mga ‘bagman’ sa MPD dahil ise-centralize na lahat ang ‘parating’ sa City Hall!?
Pinagkakalat pa ng mga nagpapakilalang tuta ‘este’ bata ni Calinisan na kung may ‘magbibigay’ para sa MASA (Manila ACTION & Special Assignment) ay sa kanilang opisina lang dapat ipadala.
Watdafak?!
Akala ko ba ‘no-take-policy’ ang administrasyon ni Erap!?
Wait a minute, ito bang si Calinisan ay ‘yun sinibak ni Mayor Lim na kumuha ng 6M PAGCOR share para sa isang foundation na hindi naman pumasok sa kaban ng Maynila?
Paki-explain lang po sa ‘kin, mga bossing!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com