AKALA natin ang bagong appointments sa National Bureau of Investigation (NBI), ang mga posisyon o opisinang iniwan lang nina deputy directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.
Hindi natin alam kung bagong opisina o extended office ba ng NBI ang dalawang nagyayabang at nagpapakilalang ‘BAGMAN’ kuno ngayon ang isang alias MIGEL IRINKO aka JAKE DULING at isa pang alias OGIE VILYAPRANKA.
Ipinagmamalaki ng dalawang KAPALMUKS na sila ay may basbas ng isang alyas JAGUAR na malakas ang ‘kapit’ daw sa isang opisyal ng NBI.
Aba ‘e kung kaladkarin daw ng dalawang KAMOTE ang pangalan ng premier investigating body (NBI) at ng Department of Justice ‘e parang private property nila.
Itanong ninyo kung kanino ginagamit ng dalawang ‘KAPALMUKS’ ang NBI at DoJ …
Aba ‘e walang iba kundi sa mga ilegalista lalo na sa 1602, mga putahan club, jueteng at maging sa droga.
NBI Director Virgilio Mendez at Justice Secretary, Madam Leila De Lima, hindi pa ba naiuulat sa inyo ng inyong ‘Intel experts’ kung ano ang pinaggagawa ng dalawang KAPALMUKS na ‘yan?!
Aba, ‘e kung hindi pa sa inyo nakararating ‘yang ‘masipag na pangongolek-TONG nina alyas Jake Duling at alyas Ogie sa basbas ni alyas Jaguar, ‘e dalawang bagay lang ‘yan … mahina ang ‘intelehensiya’ este ‘INTELLIGENCE’ ninyo o baka naman bukol-bukol na kayo?!
Alin po sa dalawa, Director Mendez and Madam Leila?!
Pakisudsod na nga po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com