Friday , November 22 2024

Advisory Council ng MPD Code P manunungkulan na

NANUMPA na ang advisory council ng Manila Police District (MPD) na magmo-monitor  sa implementasyon ng PNP Patrol Plan 2030 o ang Peace and order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule Of Law.

Ang 8-man Advisory Council ay  pinamumunuan ni Hon. Ambassador Antonio L. Cabangon-Chua ng  ALG Group of Companies, kasama sina  Hon. Judge Jaime Santiago, Vice Chairman, Francis Naguit, Secretary, kasama sina Manila City Prosecutor Edward Togonon, Monsignor Clemente Ignacio ng  Quiapo Parish, Representatives Amado Bagatsing, Trisha Bonoan-David at Carlo Lopez, mga miyembro.

Ang  District Advisory Council for Police Transformation and Development ay pinanumpa sa kanilang  tungkulin ni MPD Officer-in-Charge Supt. Rolando Nana, kahapon, sa Rizal Hall ng MPD headquarters.

Ayon kay Supt. Claire Cudal, tagapagsalita ng MPD, tututukan ng ADVISORY Council na alamin kung nasusunod ng MPD ang Philippine National Police Patrol 2030 with Code P na inisyatibo ni PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima.

Ang CODE P ay kumakatawan sa Competence, Organizational Development, Discipline, Excellence and Professionalism.

Layon nito na  mapagtagumpayan ng PNP mission na ipatupad ang batas, maiwasan at mapigil ang kriminalidad, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at matiyak ang kaligtasan ng publiko  at panloob na seguridad na may aktibong suporta ng mga komunidad.

Ani Supt. Cudal, ngayong February 18, iprepresenta ng Manila Police sa Camp Crame  ang certification hinggil sa pagtugon ng MPD  sa Patrol 2013 with Code P.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *