Aries (April 18-May 13) Maaaring masumpungan ang sarili sa gitna ng mga intriga.
Taurus (May 13-June 21) Malakas ang iyong intuition kaysa iyong isipan ngayon. Ito ang magtuturo sa iyo ng solusyon sa problema.
Gemini (June 21-July 20) Walang kasiguruhan sa mga bagay ngayon, maging sa iyong sariling aksyon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Lalo pang lalawak ang iyong kaalaman lalo na sa iyong napiling career.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring makontrol ka ng iyong emosyon ngayon. Posibleng balikan ang nakaraan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Posibleng magkaroon ng pagbabago sa mood ng iyong partner ngunit huwag itong dibdibin.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kailangang ingatan ang sarili at itigil ang pag-akyat sa mataas na lugar upang hindi manganib.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi mapapansin ng iba ang iyong pinagdaraanang problema sa buhay.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Pansamantalang hihina ang enerhiya ngayon. Makabubuting huwag mag-aapura sa ano mang bagay.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang maiisip na solusyon ay maaaring magmula sa inspirasyon at hindi dahil sa matalinong pag-iisip.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sikaping iwaksi sa isip ang mga pangamba at harapin ang buhay.
Pisces (March 11-April 18) Sa dakong umaga ikaw ay higit na produktibo. Ngunit habang gumagabi’y tumatamlay ka naman.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Makaraan ang nakapapagod na maghapon, ilaan ang dakong gabi sa pagpapahinga.
Lady Dee