Monday , November 25 2024

Muntik nang masilat uli

IYON ang panalong hindi masarap. Yun bang kahit na nanalo ka ay hindi ka kuntento.

Ito ang palagay ng ilang mga nakasaksi sa laro ng Barangay Ginebra San Miguel at San Mig Coffee noong Miyerkoles.

Naungusan ng Gin Kings ang Mixers, 85-82 upang itabla ang best-of-seven semifinals series sa 2-all. Bale best-of-three na lang ang duwelo nila.

Kaya naman nasabing walang sarap ang panalo ay dahil sa nakapanakot pa ang Mixers.

Biruin mong nakalamang ng 16 puntos ang Barangay Ginebra sa third quarter ng laro.

Pero nagsagawa ng 18-0 atake ang San Mig Coffee upang makuha pa ang kalamangan at maging dikdikan ang laban.

Ano ba iyan?

E kung tutuusin nga ay breaks of the game na lang ang ipinanalo ng Gin Kings. Nagmintis sa kani-kanilang free throws sina Ian Sangalang at two-time Most Valuable Player James Yap sa endgame. Hindi kaagad nagbigay ng foul si Marc Pingris sa dying seconds  upang pigilan ang oras at hamunin na lang sa free throw line ang Gin Kings. Kasi limang fouls na si Pingris at ayaw niyang isakrippisyo ang sarili niya.

Tuloy ay anim na segundo na lang ang nalabi matapos ang dalawang free throws ni LA Tenorio na nagbigay ng three-point lead sa Gin Kings.

Pero muntik pang pumasok ang three-point shot ni Yap sabay sa pagtunog ng final buzzer.

Kung pumasok, e di overtime sana. At baka may kinalagyan ang Barangay Ginebra!

Kaya naman kahit na nanalo sila, malamang na hindi naging maayos ang pagtulog ni coach Renato Agustin. Malamang na kung sinu-ano ang naisip niya habang pabaling-baling sa kama.

At tiyak na pagsasabihan niya ang kanyang mga bata sa mga susunod na ensayo bilang paghahanda sa Game Five.

Hindi ubra na ulitin ang kanilang ginawa sa Game Four kung hangad nilang makarating sa finals.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *