Monday , December 23 2024

Finance, PRA nakialam na sa Pasay City reclamation project

00 Bulabugin JSY

MUKHANG lumalaki na ang sakit ng ulo ni Pasay City Mayor Antonino Calixto sa P54.5 billion reclamation project na kanilang ibinigay sa SM group.

Mismong si Finance Secretary Cesar Purisima ay sumulat na sa Malacañang at sinabing hindi dumaan sa transparency ang 300-hectare Manila Bay reclamation project na inaprubahan ng Pasay City government.

Ayon kay Purisima, ang proseso ng pag-aapruba ay hindi sumasang-ayon sa batas gayon din sa five-stage approval process ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Nilinaw din ni Purisima na ang pag-aapruba at pagdidis-apruba sa mga reclamation project ay kapangyarihan na ipinagkaloob sa National Economic and Development Authority (NEDA) na pinamumunuan ng Pangulo.

WAPAK!

Mukhang hindi lang biogesic at advil ang kailangang inumin ni CASH-LIXTO este Calixto dahil umabot na sa Malacañang ang isyu.

Mantakin ninyong PANGULO pala ng Republika ang may karapatang magdesisyon d’yan ‘e bakit pinangunahan at minadali ng Konseho at ni To-Calix?!

Dahil ba sa SOP at goodwill na mayroong nahatian at mayroong nabukulan?!

‘Yan ang P150-million question na dapat sagutin ni Calixto at ng mga ‘lumaban-bawi-laban’ sa konseho ng Pasay.

Tunay na sakit ng ulo ‘yan TO-CALIX!

Abangan ang susunod na kabanata …

GEN. GENABE OUT GEN. NANA IN SA MANILA POLICE DISTRICT (MPD)

MUKHANG may nakaabang na magandang kapalaran kay Gen. Isagani Genabe, Jr., matapos siyang palitan ni Sr. Supt. Roalando Nana sa Manila Police District (MPD) bilang OIC district director.

Si Gen. Genabe ay ‘sinipa’ patungong Region 10 bilang regional director (RD).

Sa kalakaran sa Philippine National Police (PNP), kapag dinala sa probinsiya at inilagay na regional director, t’yak pagbalik sa Maynila ay ilalagay na sa mataas na pwesto.

Ganoon nga kaya ang ‘kapalaran’ ni Gen. Genabe?! O baka naman, napundi na ang PNP dahil sa talamak na kaso ng pamamaslang ng riding in-tandem at pamamayagpag ng KOTONG COPS sa Maynila?!

Sabi nga ng mga antigong pulis-Maynila na nasa serbisyo pa o retirado na, WALANG MARKA ang pamumuno ni Genabe sa MPD kundi ang talamak na pagpapahirap at pangongotong sa mga vendor, kotongan sa illegal terminal at sa mga kolorum, pamamayagpag ng illegal vices at iba pang uri ng illegal.

Ano kaya ang masasabi d’yan ni alyas BONG CRUZ?!

Ngayon, abangan naman natin kung ano ang gagawin ni KERNEL NANA.

Makapagmarka kaya ang kanyang pamumuno sa minsan ay tinaguriang Manila’s Finest?!

Susundan natin ‘yan.

RATIONALIZATION PLAN PROMOTION SA IMMIGRATION PALAKASAN O LAGAYAN!?

KWESTIYONABLE umano ang naganap na rationalization plan promotion kamakailan sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ang mainit na usap-usapan ngayon ng mga taga-BI.

Halos 40 porsiyento umano ng mga nabigyan ng promosyon ay “NOT QUALIFIED.”

Kung hindi umano bata-batuta ng kung sinong opisyal ‘e ‘nagreregalo’ para mapansin sa promosyon.

Ibig sabihin, umiiral pa rin pala ‘yung bata-bata at palakasan system sa Immigration.

‘E ang balita natin, ang Chairman daw ng Immigration rationalization plan promotion at siyang gumawa ng final list ay walang iba kundi si BI Executive Director Eric Dimagulangan ‘este’  Dimaculangan.

Isang issue sa latest promotion na ito, ay ‘yung isang dating BI Admin aide na ‘BATA’ raw ni IRD Chief DANNY ALMEDA, na na-promote (tumalon) last year na IO-2 ay nakagugulat na na-promote na naman ngayon bilang IO-3!?

May CA  na naging Admin Aide noong nakaraang taon lang ngayon ay biglang na-promote na IO-1.

May mga nalaglag o hindi na-promote na naka-line-up dahil may DERO raw!? ‘E bakit pa sila isinama sa listahan kung may DERO nga sila!? At kung may DERO, bakit hindi ipinakita sa kanila para masagot nila!?

Sonabagan!!!

Mali-mali rin daw ang naging RATING sa criteria ng mga kandidato for promotion.

Ang sabi, isa sa pinagbasehan ng promotion ay mga commendation. Pero hindi commendation based on accomplishments kundi commendation mula sa kung sino-sinong poncio pilato?!

Aba Sir Dimaculangan, pwede bang paki-explain kung ano ba talaga ang BATAYAN at REQUIREMENTS para sa promotion?!

At totoo ba na si alias LADY BOOBA ay member ng selection board at nakapirma pa sa listahan ng promotion?

I smell something fishy …fishy as in bagoong!

Hanggang ngayon pala ay umiiral pa rin ang: ‘it’s not what you know but whom you know’ policy sa BI!

Exe. Dir. Dimaculangan, totoo ba na nagkaroon ng ‘palakasan’ o ‘lagayan’ sa promotion and selection!?

Paki-explain nga ‘yan

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *