Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Just Call me Lucky (Part 32)

 

KINAMAYAN KO  SI JOYBELLE NANG MAY MANGANTIYAW NA MATUTUNAW NA ANG BINILI KONG YELO

Maging sa bahay ay puro basa at paggawa ng mga aralin ang inaatupag  ko. Lumalabas lang ako kapag may inuutos si ermat, o may pansariling pangangailangan.

Hindi ko alam na may bago pala kaming kapitbahay. Kalilipat lang sa bungad ng  looban sa aming lugar . Mag-ina sila. Kanila ang bagong bukas na sari-sari store. Nagkataon noong nag-defroze ng ref si ermat kaya doon ako bumili ng yelo. Maraming kabinataang nakatambay sa harap ng tindahan. Kaya pala ay dahil sa ubod ng ganda ang tumataong tindera. Mala-krema ang kutis. At panlaban sa “Ms. Body Beautiful” ang vital statistics.

Bumuwelo lang ako para balikan at maki-pagkilala sa magandang kapitbahay namin. Pero ang kababata kong si Ningning ang tao na sa tindahan. Namasukan pala siyang kasambahay roon. Siya ang nagsabing umakyat na ng bahay ang aking sadya. “Bakit mo hinahanap?” aniya sa pag-uusisa. “Gusto ko sanang makipagkilala,” ang sagot ko. “Bakit?” tanong pa uli niya. “Ibig ko lang makipag-friendship  at makipag-textmate sa kanya,” ang sabi ko. “Itatanong ko muna kung okey sa kanya, ha, Atoy?” ngiti niya.

Sinabi sa akin ni Ningning na tuwing Sabado ng gabi lang sa tindahan ang anak ng kanyang amo. “Joybelle” ang pangalan. Nag-aaral daw sa Maynila at doon namamalagi. Nangungupahan daw sa isang boarding house na malapit sa pinapasukang eskwelahan. Inungkat ko  ang tungkol sa cellphone  number ng dalagang anak ng kanyang amo. Saglit siyang nag-isip. Pagkakuha ng ballpen ay isinulat niya sa palara ng sigarilyo ang cellphone number na hinihingi ko.

Inilagay ko sa phonebook ang numero ng cp  ni Joybelle. Nagpakilala ako sa kanya sa text. “K” ang reply sa akin. Sabi ko, paki-save ang aking number kung pwede. “K” uli ang sagot. “Kung ok sa u, txtm8 na kita,”  pahabol ko. “Cge, k lang” ang mensaheng tinanggap ko. Ti-pid na tipid kung mag-text. Pinagtiyagaan ko, Makaraan ang ilang araw,  sa katitiyaga ko’y humaba-haba na ang itine-text sa akin. May pakonsuwelo pang “gudnyt”  o ‘bye” at “God bless.”

Hindi ko pinalagpas ang unang Sabado ng gabi sa pagbabantay ng tindahan ni Joybelle. Bumili ako ng yelo. Nginitian ako. How sweet. Pero bakit daw sa kanila ako bumili ng yelo, e, may tindang yelo rin kami. “Mas malamig kasi ang yelo n’yo…” ganting ngiti ko. Tinawanan ako. “Ako si Lucky” ang pormal kong pagpapakilala sa kanya. “Ako naman si Joybelle,” aniya nang makipagdaop sa akin ang malambot niyang palad.  May isang tambay na nangantiyaw na sumigaw: “Atoy! Matutunaw ‘yang yelo mo!” Tsapter ang malagkit na pakikipagtitigan sa akin ni Joybelle. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …